Showing posts with label Fumiya. Show all posts

Fumiya & Yamyam sasabak sa 1st movie nila


Fresh from being hailed as PBB Otso Ultim8 Big Winner at 5th Big Placer respectively, sabak agad sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai sa kanilang 1st movie na kanilang kabibilangan ang “Mang Kepweng: Lihim ng Bandanang Itim.”


Noong Martes, August 20, 2019, naganap ang storycon at looktest ng nasabing movie kung saan nagkaroon kami ng chance na makausap ang FumiYam laffteam ng PBB Otso

Di pa rin makapaniwala si Yamyam na siya ang intinanghal na Ultim8 Big Winner ng longest season ng “Pinoy Big Brother” akala niya nanaginip lang daw siya. Ayon pa sa kanya, di niya naimagine before na mararating siya sa pwesto niya ngayon. 


Habang si Fumiya naman ay nilinaw niya ang kanyang tweet na medyo disappointed siya na di siya nakapasok sa Big 4. Nadismaya lang daw sya na di buo ang Team LAYF, ang Big 4 ng Batch 2 ng nasabing edisyon. Ayon sa kanya, kung magaling lang siya sa mga challenges ay makakapasok siya sa Ultimate Big 4.

Di naman sinisisi ni Fumiya si Kiara Takahashi ng Batch 4 kaya di siya nakapasok. Iginiit niya na deserving ito na makapasok sa Big 4 na sinang-ayunan naman ni Yamyam.

Sa ngayon masaya ang duo sa kanilang unang pelikula na kung saan ang mga characters nila ay parang sa tunay na buhay lang din. Ang “Mang Kepweng: Lihim ng Bandanang Itim” ay mula sa Cineko Productions at balitang isasali sa Metro Manila Summer Film Festival sa Black Saturday next year. 

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS