Showing posts with label Indak. Show all posts

Pelikulang Indak puno ng inspirasyon


Naging matagumpay ang premiere night ng latest dance movie ng Viva Films ang “Indak” na ginanap sa SM Cinema Megamall, kagabi, August 5, 2019.

Present sa event ang cast members, director Paul Basinillo at ang lead stars ng pelikula na sina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Napuno naman ng kilig ang Cinema 1 nang dumating sa premiere si James Reid na todo suporta sa kanyang girlfriend na si Nadine. 

Dinagsa ng maraming fans ang nasabing premiere na talagang nagustuhan, na-inspire at napa-indak sa pelikula na tungkol sa journey ni Jen (Nadine Lustre). Isang babaeng mahilig sumayaw na nakatira sa isla ng Bantayan.

Naging viral ang video ni Jen na napanood ni Vin (Sam Concepcion) na leader ng dance group na Indak Pinas. Sa tulong ni Vin, napunta sa Manila si Jen at naging bahagi ng nasabing grupo. Pinakita sa pelikula ang struggle ni Jen para maabot ang kanyang inaasam na pangarap at gayundin ang pangarap ng Indak Pinas na manalo sa World Dance Championship sa South Korea. 

Maliban sa magandang istorya na puno ng inspirasyon, puno rin ng musika at bonggang choreography ang pelikula na talagang mapapa-indak ka pag napanood mo ito sa mga sinehan simula bukas, August 7. 

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS