Naniniwala ako sa blog post na ito ng Team High Voltage Fans sa kanilang blog na teamhighvoltagepbb4.weebly.com. Ito rin kasi ang nararamdaman ko sa programang 'Pinoy Big Brother Unlimited', fan ako ng PBB mula noong 2005 pa pero dispappointed talaga ako sa mga nangyayari sa season na ito. Di bonggang twists, tasks, magulo at pabagao-bagong rules, pagiging di patas.
Sinusubo na natin sa nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan na Sekretarya ni Kuya ang mga videos na nagpapakita ng mga nagawang violations ng ilang Housemates pero hinde ito pinansin nila ang mga ito. Since sila ang biahasa sa rules ng 'Big Brother' dapat i-inform nila tayo kung violations nga ang mga iyon or hinde, kasi alam mo yung feeling na wala silang paki sa mga fans. Hinde naman siguro kaubusan ng oras nila ang pagtweet para malinawagan tayo. Yun lang naman mahirap bang gawin iyon? Eh araw-araw nga silang nagtutweet ng kung anu-ano. Ay naku! Oh well narito na yung blog post ng team High Voltage
Nang binuksan ni kuya ang bahay nya para sa season na to, madaming viewers ang natuwa. kitang kita na super solid at priority talaga nila ang panunuod ng PBB.. Simula bata, hangang matanda.. mararamdaman mong inaabangan talaga nila ang Uday at Unight. Ngunit habang tumatagal ay tila nagiging bias ang show. Madaming nagsasabi na ang reality show ay naging manipulating show. Nakakaumay na daw ang pinapalabas nila at SUPER edited na..
Sa isang viewer na katulad ko, (nanonood ng live stream) ay masasabi kong madami talagang hindi naipapakita sa pbb shows. Naiintindihan naman naten dahil kulang ang ilang oras pra ipakita lahat ng mga ginagawa nila.. Pero ang hindi nagustuhan ng karamihan ay ang pagtatakip ng baho ng ibang housemates sa mga viewers. Isang halimbawa dito ay yung issue ky Carlo at sa ibang housemates. Kung maaalala nyo ay nung intensity 7, nagkaron ng malaking issue sa nasabi ni Carlo na "just enough effort" lang ang ibinigay nya sa task na sasalba ky Ryan. Ipinalabas ni Kuya ito at ipinarinig pa sa Wayuk. Pero ang hand signs, pagbback stab at pagt-threat ng ibang housemates ay hindi nila pinalabas.. Halos isubo na sakanila ang mga recorded videos sa LS ngunit hindi ito binigyang pansin. Sa halip ay ipinakita at ipinalabas na mabuti ang ilan.
Hindi pa nakuntento at eto na si Deniesse.. Isang housemate na pilit na lumaban at pinatunayan ang sarili nya na hindi sya uurong sa lahat ng hamon. Nagtiis nga si Deniesse pra makapasok sa top 14 at manatiling High Voltage ngunit sa huli ay inilipat padin nya si Deniesse. Tanging pag-iyak nlng ang nagawa nya. Dahil din sa hindi pantay na bilang ng mga housemates ay binigyan pa ng chance mamili ang Wayuk kung sino ang gusto nilang malipat sakanila at ang naging Top 3 nga nila ay sina Carlo, Slater at Eting. Team High Voltage na nga ang malalagasan, sila pa ang pinahirapan. Habang nakahiga at natutulog ang Wayuk ay sya namang paglaban at paghirap ng THV housemates para hindi malipat sa kabila ang 1 sa tatlo nilang napili. Nagkaron nga po ng instant Slater ang Team Wayuk ng walang ginawang paghihirap. Sa dami ng batikos sa napansing pagiging bias ni kuya ay hindi na nya napigilang magpa-interview kay Toni. Ngunit ang tanging ipinaliwanag lang nya ay ginagawa nya yon para subukan ang individual housemates at LIFE IS REALLY NOT FAIR daw. Pero ang tanong ng bayan na bakit hindi ipinapakita ang baho ng ilan at pinagtatakpan ay hindi nabigyang linaw. Pano nya masasabing sinusubukan ang individual kung hindi sya nagiging patas?
Nakalipas na nga ang ilang araw at heto, nagkaka-issue nanaman. Dahil sa pagpapabaya ng LAHAT ng housemates sa huling contra battle na Rat-a-Huli, ay nagkaron sila ng harapang nominasyon. Nakakainis lang kasi madaming nag-play safe na housemates. Kung sino pa ang mga totoong tao sa loob, sila ang nahuhusgahan agad-agad. Masasabi ko lang,, maraming nagmamahal sa 2 (Wendy at Deniesse) dahil sila yung tipo ng housemates na HINDI TAKOT MAHUSGAHAN NG TAO. Agree ako sa sinabi ni Joya kung gustong i-preserve yung team high voltage, okay lang na si Wendy ang i-out. pero kung iba-base mo sa nagawa at naipakita sa loob. Karapatdapat siya maging big 4.
Ang nakakatawa pa dito, naging SURVIVOR ang peg ng PBB. Harapan na nga ang nominasyon, tinanggalan pa nya ng karapatan ang taong bayan i-save ang housemates.Binigyan nya ng pagkakataong mapatunayan nina Wendy at Deniesse ang sarili nila. Ngunit ang mga tasks naman ay napaka-impossible talaga. Kayang gawin lahat kung my sapat na oras. Kitang kita naman na nagpursigi ang 2 para magtagumpay kahit na alam natin na impossible. Kahit din alam na nila na talo sila ay tinapos pden nila ang task. Binigyan nya lang ng chance pero hindi nya talaga gustong my mapatunayan.
Sa mgayon, madaming nagagalit dahil sa patuloy na pagiging bias ng show.
ANO NA BA NANGYAYARE SA PBB?
Photo by ABS-CBN and Pinoy Big Brother
Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
21 Comments
Super hate this season of PBB.. Gustong mabalik yung original rules! Bawal lumabas ng bahay, bawal mag kakilala, bawal ang mag asawa, bawal ang mag BF/GF.. Sobrang nakakadismaya ang edition na ito lahat ng original concept ng PBB Season 1 nilabag mismo ni kuya.. Masabi lang na iba ang edition na ito kesyo puro first time pero sariling rules ni Kuya sya rin ang lumalabag.. Di ako nagtataka kung bakit nawawalan na ng gana manuod ang mga PBB fans.. Nais ko lang talaga ibalik ang original rules kung saan Lahat ng nangyayari sa bahay ay totoo. Kung ratings ang habol nila pwes Epic Fail!
PAALALA SA MGA NAGREREKLAMO SA PROGRAMA AT HOUSEMATES, WALANG PUMIPILIT NA MANOOD KAYO, KUNG AYAW NYO ANG SHOW, ANG PATAKARAN AT ANG PINAGGAGAWA NILA, WAG NG MANOOD. AGAIN, WALANG PUMIPILIT SA INYONG MANOOD.
heh ! bwesit kayo may housemate na may amnesia na mukhang mongol abnoy ayaw nyo pa alisin kairita sya jan maiwan lng dapat eting kevin denis at tin,.
to commenter no. 2: Tumigil ka! nagcocommento ako nagbibigay ng opinion.. at kung magrereklamo nman tama lang dahil fan ako ng programa, at kung fan ka dapat makialam ka sa mga di tamang mga nangyayari.. di porke fan ka e ok na lang lahat sayo ang mga maling ginagawa ni KUYA! tsaka tigilan na yung 2 groups of Housemates kumita na yun sa 2 0 3 mga nakaraang season! ibnalik nila yung dati na isang grupo lang yung normal yung pagkakaisa o pakikipagalitan.. hayaan nyo silang magrambol sa natural na paraan ndi yung dahil sa mga walang kwentang TASK ni kuya sa edition na ito.. Uulitan ko FAN ako ng programa kaya ganito ang concern ko! gumamit ng utak! wag mag paloko! wag magpadala!
TO COMMENTER 4: INUULIT KO, KUNG AYAW MO NA SA PATAKARAN NG PBB, KUNG AYAW MO NG DALAWANG GROUPS AT KUNG SA PALAGAY MO NILULUKO KA NA, MAG-ISIP ISIP KA. SIGURO NA IYO NA MAY PROBLEMA. PINIPILIT MO ANG SARILI MO MASTRESS, MASAMA YAN. MA HIGH BLOOD KA. DI PORKET FAN KA, IKAW NA MASUSUNOD. KUNG LAHAT NG FANS SUSUNDIN, WALANG MANGYAYARI SA PROGRAMA DAHIL MAY ILANG MILYONG FANS NA MAY SARILING OPINYON, NA GETS MO? OR BETTER, GUMAWA KA NG SARILI MONG PBB NA IKAW ANG MASUSUNOD. AGAIN, WAG KA NA MANOOD KUNG MAY ANGAL KA, OKEY? PEACE!
we all have the right to comment on a topic here. and if you'll gonna say shut up, why not do it first right?
Agree ako sa blog na ito sa pagiging biased ni Kuya and I'm glad the blogger didn't mention names although there were allusions to certain housemates. I watch both LS and edited episodes, so I can compare raw footages with what's shown to the madlang people. It's true, the show seems to "baby" some HM and "punish" others, but FROM BOTH CAMPS. It's not about Wayuk or HV, but it's about certain HMs. I think PBB evenly distributes the strong ones (mas madami nito sa HV kesa sa Wayuk)to keep the team rivalry alive. Kung di ginawa eto, talo lagi Wayuk--mas mahina sila sa strategy, mas careless. It's the show's equilibrium vs. fans' opinions, at syempre BB chooses to preserve itself. Yan ang sad fact sa showbiz--may business objectives.
Di natin alam ang objectives ng ABS-CBN. Baka umpisa pa lang, may manok na sila. Kitang-kita naman--mdaling basahin ang galaw ng show sa pag-focus pa lang ng spotlight, sa pag-tanggal sa iba. Pati sa mga nanay na laging nsa eksena. Sana lang, wag na ipilit yang mga loveteam na yan--obvious naman na walang Melai-Jason at Fretzie-Bret. Ganap-ganapan lahat. Puhleeezz..fans want to see housemates who are "palaban" like Wendy. Ilabas ang tunay na katas, kasi magagaling naman sila. Yung mga pinapaboran ngayon e puro mga sheltered, laki sa layaw, o kinaawaan na tangan lagi ang mga sad drama ng buhay nila (like Biggel). Nawala ang tunay na "flavor" at "essence" nila after looban. Dami naging tamad. Puro playing safe. We viewers are smart enough to see through their characters. Sayang, yung looban was a perfect "equalizer" sana ng playing field.
*SLATER=smart, likeable, assertive, principled, may clout kasi rich and good-looking (can't do anything about it, walang masama sa pagiging mayaman)
*PACO=smart, assertive, talented, competitive, dami hang-ups kaya gutom magpatunay ng kakayahan, OC
*SEICHII=sincere, compassionate, super funny without trying hard, cute, not assertive kya laging nasa periphery lang lagi ng eksena (di makasingit), holds on too much to language barrier issue, too fixed in his ways
*DIVINE=super talented, kind-hearted but often misunderstood because of cultural orientation (language, ways, sense of humor)
*TIN=pretty, strong, with finesse, could dig deep into her athletic competitive spirit to shine, not from parents' fussing (i like her when she shone in "looban" challenges)
*ETING=perfect winner material--talented, patient and hardworking, kind, but fact remains that his fan base is not strong. Mahirap kasi (sad fact). Sna i-champion niya ang masa sa programa.
*CARLO=strong personality, assertive, principled,good-looking, may team spirit but choosy and too regimented
*BIGGEL=Sayang, he shone better in "looban". Di sanay sa comforts, na-overwhelm, trying to please people too much to fit in. Strong pa naman, determined, masayahin,interesting sana. I sense too much dear in him to make mistakes.
*KEVIN=sweet, caring (panalo sa bracelet-making! senti pala), cute, but tamad, "hilaw pa--only thinking of the 'now'", lacks critical thinking, di leader material
*DENIESSE--palaban, strong, good mingler, talented, survivor, may sensuality, funny. Di ko lang alam ba't di ko cia ma-imagine as big winner. Baka yung pagka-showbiz.
*PAMU=strong, happy-go-lucky, kamukha ni Ai-Ai and sounds like her(plus factor ito),spontaneous, but too careless, playing safe din.
malabo ang mga rules ni BB this season.... kawawa nman si Wendy at Deniesse pero at some point tumaas ang respeto ng tao sa knilang dalawa....malinis silang lumaban..... C Tin dpat jan palabasin n ng bahay ni BB wla nman talaga syang nagawa pero parang pinapaboran ni BB c Tin kase may pressure ba kay Patrimonio???? Lumabas na sya nag tunay na walang kwentang housemates yun sa task na Ratahuli sya ang leader responsibility nya yun pero ano ginawa nya nag laro lang sya.... tapos sa task na Road trip whatever sya itong nag sabi kay Pamu na mag relax at mag malling cla kaya sila na kilala at higit sa lahat nagpakilala pa lumabas ang kayabangan.... Kung ako sa tatay at nanay nya ipasok nyo yan sa school lumalabas ang kabobohan nyang c Tin isang patunay an ang edukasyon ay mahala she is simply BOBA..... STUPID at puro arte lang..... Palabasin na yan ng bahay Patrimonio lasbas ikaw ang di karapat dapat sa bahay ni BB kumpara kay Wendy..... TIN PATRIMONIO BOBA .... STUPID...... Simpleng PESTE dpa mabasa BOBA
To the commenter before me, thats your opinyon. Ang hirap kasi, nagrereklamo tayo na bias, kung mag comment naman tayo ay bias din, lalo na sa chatbox.
Don ke anonymous 11:55 a.m. Sorry pero di ako agree sa mga sinasabi mo about tin. Pasensha na kung nong ratahuli e di sha nagstep up. pero kung talagang nanonood ka, ung mga nakaraang kontra battle, lahat ng malaking contribution nagawa ni tin. i am not against wendy, pero si wendy sa tango lang nagstep up. sana naman maconsider ninyo na si tin is one of the asset of THV pagdating sa contra battle. nagkataon lang na she is not a born leader. pero when it comes to things that she knows, she excels in it. wag nyong isisi kay tin lahat ng nangyari sa pagkatalo nila kc hindi lang sha ang me kasalanan. totoo un sinasabi na pag madami kang nagawang mabuti at isang mali, ang napapansin lang ng tao e un mga mali mo. and take note na hindi paborito ni bb si tin dahil isa sha sa mga biktima ng bad editing ng bb.
yeah...i agree also...biased n c big brother...hnd n q natutuwa sa show...big fan din aq ng pbb...unang una ang pagpili sa top 14 ay hng nging mgndang proseso...ang mga task ni big brother ay parang hnd pinag isipan...nkikita q din n ung mga threat or mllkas ang karisma sa taong byan...yun ung mga gustong paalisin sa show...like wendy...WENDY is wendy...UTANG NA LOOB...tumatak n tlga sten ang pangalan yan...unang season plng nito...isang wendy n tlga ang nagpkita ng mlkas at plabn n personalidad...gya nitong season n to...isang wendy n naman ang nkitaan q ng pagbbgo at krapat dapat n mpbilang sa big 4...pero napaalis si wendy ng gnun yung dhilan...panu kya kung ntapos nila ung task sa paggawa ng kalsada meaning b nito wlng sanang mappalis ...pero cyempre imposible nga nmng matapos nila yun..kya plgay q c kuya n mismo gumagawa ng paraan para my mapaalis sknila....hnd q din cnsbing gusto q ma out c DEniesse..dhil gusto q din xa...Fight lng ng fight bakla...lol....
wag sisihin ang housemates di nila alam nangyayari bat di natin isisi sa pasimuno ng show...
basta ako goodluck ky BB to give us the deserving Big Winner! sa natitira ngayon si ETING nlng naman ang deserving not only because mahirap siya! but because he has proven a lot! and he is the most genuine sa lahat. si Biggel mhirap pero i can honestly say na di tlga siya deserving! mahina man siya sa fanbase thats d sad fact na unlike other housemates wala xa influencial family at connections. from d start d xa nbigyan ng mgandang exposure akla wall lng xa kc un ang napapakita sa PT sa LS super dami mgnda snang ganap si ETING pero kc focus sila dti sa BiggeTin at Sei_MU. isa pa hirap xa sa kasi wala xa LOVETEAM! concepto na nabuo na sa mga fans. na si BB mismo ang nagpakulo. kya failure dis season ang loveteams.not because wala loveteam si ETING wla n xa krapatan manalo.magsurvey kayo sa totoong taong bayan..miski bata tanungin nyo sino ang Big Winner nila.isa lng ang bukambibig nila kundi c ETING!
PBB DOUBLE-UP TEEN EDITION BIG WINNER NA SI JAMES REID, HINDI PA DAW NAKUKUHA ANG CONDO UNIT NYA AT 400K LANG ANG BNIGAY SA KANYA SA PAGKAPANALO NYA???
Big Brother, sana mabasa mo ang mga comments na ito. Sana naman, pakinggan mo ang madlang people. Si Wendy ang pinakatotoo sa mga housemates, sayang, sya pa ang nawala. Tapos, this week, si PAco, nahanapan ng butas? Unti-unti nang nawawalan ng asim ang show. Good bye na muna ako sa panonood--I've wasted too much time watching LS and primetime editions. Parang walang direksiyon ang show. Kung si Eting naman ang mananalo, happy ako. Napunta sa dapat kalagyan ang premyo. Si Seichii okay din, pero tulungan mo naman syang mas ilabas ang kakayahan nya. Bigyan mo naman ng matinding challenge para hindi lang sya gala nang gala at treadmill ng treadmill sa loob ng bahay.
I DONT WANT ETING TO BE PART OF THE BIG4!! HALOS NAGIGING PAREHO NA SILA MG UGALI NI BIGGEL THE DOG!!! AS IN (PAAWA EFFECT, PAPANSIN EFFECT AT IBA PA!)
eh ikawsa tingin mo di ka ba bias?puro team high sabotage ang pinapaboran mo at halatang ikaw lang ang nagsasabing bias ang unlimited ginawan mo lang ni istorya na marami nagsabi na bias ang season na ito napaghahalataan ka na na team high sabotage fan malamangisa sa mga traydor namiyembro don eh malapit sayo.
hay nku puro kayo reklamo.....
Hi there to every one, the contents present at this website are genuinely awesome for people knowledge, well, keep up
the nice work fellows.
Look into my blog post: how much should i weigh for my height and age