Handang-handa na nga ang Kapamilya network sa malaking pagbabago sa mundo ng telebisyon at eto ay ang paglipat sa Digital TV (broadcast).
Kapag mayroon ng go signal mula sa gobyerno ay mabibili na ng ating mga kababayan ang TV+ (ABS-CBN Digibox) na kasing presyo ng mga DVD players.
Gamit ang TV+ Digibox ay mas malinaw natin mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN, NBN at Gem plus mayroon pang 5 additional channels like Myx, ANC, and Yey na isang channel para sa mga bata.
Sa mga darating na taon ay lahat na ng TV networks ay magsi-shift na rin sa Digital TV. Habang nasa analog broadcast pa rin ang GMA at TV5 ay mapapanood ninyo pa rin ang mga programa nila yun nga lang di kasing linaw at klaro ng ABS-CBN DTV, NBN HD at Gem HD!
Panoorin ang video na ito para maipaliwanag nang husto kung ano ang Digital TV at kung bakit kailangan natin lumipat rito!
Photo by ABS-CBN Digital TV
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
5 Comments
magpa cable nalang ako. Mas marami pang channel ang makukuha. ;)
Hindi kasali ang ANC sa mga channels ng ABS-CBN for TV+. DZMM Teleradyo po ilalagay nila. Ang mga iba pang sub-channels nila ay:
Myx (Music channel, pero balitang Filipino version ang gagawin for TV+, unlike sa cable na English)
Knowledge (Educational channel)
Yey (Cartoons and Anime)
Cine Mo (Movies)
Ang pagkakaiba lang kasi ng TV+ sa Cable, bibili ka lang ng digibox, then free mo na mapapanuod yung mga channels, unlike sa cable na may monthly fee.
At required ang lahat na bumili ng "set-top boxes" gaya ng TV+ bago ang 2016, kung saan kailangang digital na ang lahat ng networks sa bansa.
saan yan mabibili ang DTV Digibox o TV Plus Digibox Please text me 09283782713
saan po mabibili ito?abot na kya ang signal dto sa pque?salamat
ay tagal naman nyan dkami makapanood ng c2 ng maayos c11 at c7 ang linaw dito sa min sa caloocan north