Ilang araw na lang at Holy Week na naman kung saan tayong mga katoliko ay may 1 linggo para gunitain ang sakripisyo at paghihirap ng panginoon. Sa panahon ding ito ay uso ang mga Senakulo kung saan isinasadula ng mga aktor ang mga huling sandali ni Papa God sa mundo.
And when you say Senakulo parating maiisip natin ang Martir Sa Golgota as the biggest or most successful Senakulo ever. Ang senakong ito ay di lamang pinapakita ang mga paghihirap ni Papa God, tumatalakay din ng mga isyu ng ating bansa.
For the 3rd time, pagbibidahan ito ng aktor at singer na si Lance Raymundo na gaganap na Kristo. And last March 16, we had the chance na makausap siya sa may Santiago's Cafe sa tabi ng muling nagbubukas na Black Maria Cinema kung saan ibinahagi niya kung gaano siya ka excited na muling gawin ang senakulong ito kahit na pang pangatlong taon na niya. Ayon pa sa kanya mas lalo siyang na challenge na pag-igihan ang kanyang pagganap bilang Kristo at patuloy na ipagpatuloy ang passion niya sa pag-arte.
So happy kay Lance Raymundo dahil patuloy siyang blessed ni Papa God kailan lang ay napanood sya sa number 1 teleserye ng bansa Ang Probinsyano at ngayon nga ay mapapanood siya sa ang MARTIR SA GOLGOTA sa Greenfields Sta.Rosa sa MARCH 24 & Greenfields Mandaluyong sa MARCH 25.
0 Comments