Nag shine ng husto ang career ni Ms. Sylvia Sanchez nang gampanan niya ang role bilang ina sa mga hit teleseryeng "The Greatest Love" & "Hanggang Saan."
Pero anong klaseng ina nga ba si Ms. Sylvia sa tunay na buhay?
Sa aming panayam sa Kapamilya actress, inamin nito na gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak lalo pa't kung alam niyang ang mga ito ay nasa tama. Naikwento rin niya na noong bata pa si Ria Atayde ay minsan na niyang sinugod sa Principal's office ang kaklase ng kanyang anak dahil sa pananakit nito.
Totoo ang sinabi niya na natural lang sa isang ina ang ipagtanggol ang kanyang anak lalo na't higit sa isang beses ng sinaktan ang kanyang anak.
Pero kahit malalaki na sina Ria at Arjo Atayde ay di pa siya handa maging lola at magkaroon ng apo. Naniniwala sa kanya na di pa stable sina Arjo at Ria & di pa nila kayang magtaguyod ng pamilya.
Mapapanood pa rin si Ms. Sylvia Snachez bilang Sonya sa huling 2 linggo ng "Hanggang Saan" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
0 Comments