Sunod-sunod ang blessings ang natatanggap ngayon ni Ria Atayde. Pagkatapos mapabilang sa teleseryeng "My Dear Heart" ay sunod-sunod agad ang mga TV appearances sa mga Kapamilya shows gaya ng "Ipaglaban Mo," "Wansapanataym" & "MMK."
Ngayon naman ay mapapanood si Ria sa pinakaabangang pelikula ng KathNiel ang "The Hows Of Us" kung saan gaganap siyang kaibigan ni George (played by Kathryn Bernardo). Noong merchandise launch ng THOU ay nabanggit na #TeamKATHNIEL ang character sa pelikula. Pabor siya sa pag-iibigang George at Primo (played by Daniel Padilla).
During the press con of the movie, kinilig si Ria sa nasabi ni Direk Cathy Garcia-Molina tungkol sa kaya. Ayon kay Direk Cathy, masaya siya na kay Ria napunta ang role.
“I’m so happy, even if nung nag-eedit ako, I’m so happy that it was Ria. She really gave life to the role.”
Ang "The Hows Of Us" ang second movie ni Ria after "Can We Still Be Friends?" last year at susundan agad ito ng "The Girl In The Orange Dress" na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival sa darating na Pasko.
Mapapanood di si Ria sa teleseryeng "Halik" gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. At soon ay mapapanood na rin siya at ang kaibigan niyang si Enchong Dee sa reality show na "Extreme Ends" ng action entertainment channel na NIX. Sa nasabing reality show ay ipapakita nila Ria at Enching ang “extreme” opposite sides ng Hong Kong.
Kahit na anak at kapatid ng magagaling na artista, unti-unti ng gumagawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz si Ria. Good job, girl!
0 Comments