Dream come true para sa singing heartthrob na si Macoy Mendoza ang first major concert niya sa Treatrino noong Sabado, October 5.
Galing sa isang pamilyang mahilig sa muskka itong Macoy pero noong 15 years old lamang siya nang malaman niyang nakakanta pala siya.
At noong 1st major concert niyang pinamagtang Music & Me, di mo makikita ang bakas ng isang baguhan sa kanyang mga naging performances. Di siya nagpahuli sa mga guest stars niyang sina Allan K, Luis Gragera & Nonoy Zuñiga.
Di lang husay sa pagkanta ang kanyang ipinamalas pati na rin husay sa pagpapakilig. Aminado naman siya na inspired at may nagpapangiti sa kanya ayon sa aming interview sa kanya noong pagkatapos ng kanyang concert.
Sa kasulukuyan, nahihilig makinig sa mga kanta nina Adele, Martin Nievera, Labrynth & Ariana Grande si Macoy. Ngayon pa lang may mga nagrerequest na ng 2nd concert at album niya. Congrats Macoy!
0 Comments