8
Isa sa inaabangang performers sa PhilSka Music Festival sa December 1 (2PM) sa Mayflower Parking, Greenfield District, Mandaluyong City ay ang bandang Zcentido na kinabibilangan nina MJ Cruz (lead singer), Richard Cruz (leader & drummer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardist), Patrick Blanco (trumpet) at ang cutie pie na si Jericho Garcia (trombone).
Sa nasabing music fest na handog ng Philippine Ska Community, bilang bahagi ng kanilang unang anibersaryo, ay ipepeform ng Zcentido ang mga kanta sa kanilang unang album na "Unang Hakbang," na may 5 original na kanta, ang bonggang version nila ng hit OPM song na "Mamang Sorbetero" & ang kanilang carrier single na "Ikaw, Ako, Tayo" na talaga namang nagpaindak sa aming bloggers noong blog con nila.
Noong napanood ko ang bandang Zcentido ay talagang napaibig ako sa kanila at sa SKA music. Ang Filipino ska band na Put3ska na nagpasikat ng kantang "Manila Girl" ang tinuturing nilang musical influence.
Ska ako ska pero ano nga ba ang SKA? Ang musikang SKA ay nagsimula sa bansang Jamaica noong late 1950s. It is said to be the the precursor to rocksteady & reggae. Ska is a combination of Carrbean mento and calypso with American jazz & rhythm and blues or R&B.
Ang sarap lang pakinggan ng musika nila, ito yung klaseng mapapangiti at mapapaindak ka. Kaya naman umaasa ako at gayundin ang bandang Zcentido at na mapatunayan ng PhilSka Music Festival na kaya ring makipagsabayan sa mainstream music ang Ska. Go go go baby!
0 Comments