Maski nakilala natin ang Kapamilya star Arjo Atayde bilang mahusay na drama actor pinangarap talaga niya ang maging komedyante na pinost niya sa kanyang IG account @arjoatayde:
All my life, I’ve always dreamt of being a comedian! To be honest, di ko alam kung paano ako napunta sa drama at action 😂 Don’t get me wrong, I’m thankful, grateful, and blessed to have had the opportunity to do such roles.
At after 7 taon na pagganap ng mga madadramang character sa mga teleserye & pelikula, natupad na rin ang pangarap niyang gumawa ng comedy project at ito nga ang pelikulang 'TOL.
Gagampanan niya sa 'TOL si Lando na kanya unang lead role sa pelikula. Medyo kinabahan ako nang malaman kong magbibida siya sa isang comedy movie dahil sanay tayong napapanood siya bilang serious actor at ang hirap burahin ang mga characters niya na talagang tumatak sa atin pero base pa lang sa trailer na napanood ko ay napatawa na niya ako sa kanyang mga eksena.
After 'TOL na mapapanood na sa January 30 sa mga sinehan, ay magbibida naman siya sa isang romantic film with Jessy Mendiola, ang Stranded. I'm sure after this film, mas magbubukas ang maraming pinto para kay Arjo as a heartthrob & leading man.
0 Comments