Sylvia Sanchez muling ipapakita ang husay sa pag-arte sa Jesusa


Share



Sa naganap na press con ng Jesusa na upcoming movie ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, naikwento ng direktor nito na si Ronald Carballo kung paano niya pinagtripan ang aktres sa shooting ng pelikula.

Dahil sa husay ng aktres at sa ayaw niya magmukhang teleserye ang pelikula, pinagawa niya kay Ms. Sylvia sa isang eksena na umiyak na kaliwang mata lamang ang lumuluha.

Akala ni Ms. Sylvia noong una ay kahit sa alin sa mga mata, kaya ni-ready na niya ang kanyang kanang mata hanggang magsabi si Direk Ronald na kaliwang mata ang dapat lumuha. Naloka ang aktres at napasabi ng "Gago itong direktor na ito."

Pero sa husay ni Ms. Sylvia nagawa niya ang eksena kung saan ang isang mata lang niya ang lumuha.

Panoorin sa video sa ibaba ang masayang pagkukwento nina Direk Ronald & Ms. Sylvia tungkol sa nasabing eksena. Meanwhile, mapapanood ang Jesusa sa mga sinehan sa panahon ng summer ngayong taon. Ang pelikula ay produced nina Jean & Junelle Rayo.

UPDATE: Isa na sa official entries ng Sinag Maynila Film Festival 2019 ang Jesusa na mapapanood simula April 4 -9, 2019.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS