San Juan City Mayor Guia Gomez di natakot sa mga squatters; suportado si Senator JV Ejercito
By: BYX SPEAKS
Nakatsikahan namin noong March 15, 2019, Friday sa Cafe Ysabel si San Juan City Mayor Guia Gomez.
Si Mayor Guia ay ang magandang ina ni Senator JV Ejercito at ngayon ay nasa kanyang huling termino na bilang mayor pero wala na syang balak tumakbo sa ibang pwesto.
Isa ako sa humanga sa mas magandang San Juan at yun ay dahil sa pamumuno ni Mayor Guia. Di natakot si Mayora na i-resettle ang mga matatagal ng squatters sa San Juan. Nakwento niya during sa aming tsikahan na may mga ibang mayor na di matanggal ang mga squatters sa kanilang siyudad at bayan dahil sa makakabawas ito sa mga boto. Kahit mabawasan ang boto & magalit sa kanya ang mga residents ng San Juan ay pinatupad niya pa rin ang tama at inayos at inayos ang mga squatters ng siyudad niya.
Proud si Mayor Guia sa kanyang anak na si JV bilang public servant at ngayon ay isa sa masipag at most accomplished senators ng bansa. Si Senator JV ang author ng Public Health Care act na may malaking maitutulong sa bawat Pilipino.
Maganda ang pagpapalaki ni Mayor Guia kay JV dahil di niya ito pinalaki sa galit at maging independent. Sa ngayon ay nakahiwalay na ng tirahan si Senator JV dahil para kay Mayor Guia, mas mag-gugrow si Senator JV bilang isang padre de pamilya kung hihiwalay ito sa kanyang poder.
Suportado ni Mayor Guia ang muling pagtakbo ni Senator JV sa darating na eleksyon bilang Senador dahil alam nito marami pa itong magagawa sa mga Pilipino habang siya, after her term ends this summer, mas fofocus si Mayor Guia sa kanyang apo at pagtulong pa sa iba kahit wala na siya sa pwesto.
0 Comments