Few days ago, nakapanyam namin ang butihing Mayor ng San Juan City Guia Gomez kung saan pinahayag niya ang kanyang suporta sa muling pagtakbo ng kanyang anak na si Sen. JV Ejercito.
Minabuti naming panayamin si Sen. JV at sa kanyang pakikipag-usap with the bloggers nakwento niya kung paano niya ka-gusto ang Bacalao na ispesyal na putahe ng kanyang ina.
Si Sen. JV Ejercito na ngayon ay tinatawag na "Mr. Healthcare," ay ang mambabatas sa likod ng Universal Healthcare bill na mag-poprovide sa mga Pinoy ng health care coverage & benefits.
Ayon sa kanya, ang bagong batas na ito ay ay tutulong sa bawat Pinoy ay automatic na magiging miyembro ng PhilHealth & magiging cover ng National Helath Insurance Program ng gobyerno.
Umaasa si Mr. Healthcare na manalo sa darating na election para mas makatulong pa sa mga Pilipino.
0 Comments