Arjo Atayde's first leading man role in a romantic film


Share



Maraming reasons para maging super happy si Arjo Atayde. Maliban sa masayang friendship niya with Maine Mendoza ay sunod-sunod ang kanyang proyekto.

Si Arjo ang tanging artista ngayon na may 2 seryeng magkasabay pinapalabas & may pelikula pa

 Sa TV, meron siyang The General's Daughter kung saan minamani niya ang kanyang role bilang autistic na si Elai. Sa online naman, isang kakaibang Arjo ang mapapanood bilang Benjo Malaya sa Bagman na tinuturing his best role yet.

Simula April 10, mapapanood sa mga sinehan si Arjo bilang leading man sa kanyang kauna-unahang romantic film ang Stranded kung saan makakapareha niya si Jessy Mendiola.

Umaasa si Arjo na sana tanggapin ng tao ang kanyang bagong role sa kabila ng mas nakilala siya sa kanyang mga kontrabida roles bilang Joaquin sa FPJ's Ang Probinsyano, Flavio sa Ang Panday, Biggie Chen sa Buy Bust, & Andrew Montenegro sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles. "First time for me to play a leading man in a romantic comedy and I’m praying the public will like our movie," sabi ni Arjo

Sa pelikulang Stranded, gagamapanan niya si Spencer, isang binatang happy go lucky na walang plano sa buhay. Dahil sa isang bagyo, magku-krus ang landas nila ni Julia, played by Jessy Mendiola, na isang masipag na empleyado. Ang dalawa ay ma-iistranded buong magdamag sa building kung saan nag-wowork si Julia. Ang tagpong iyon ay magbabago ng kanilang buhay.

"Walang ilangan," yan ang description ni Arjo sa kanyang working relationshp with Jessy. Ayon sa kanya, matagal na silang magkaibigan ni Jessy kaya naging madali at komportable gawin ang bawat eksena sa pelikula.

The film Stranded is directed by Ice Idanan, ang direktor ng 2017 movie na Sakaling Hindi Makarating. First time nila Jessy and Arjo na makatrabaho si Ice at thankful ang Kapamilya actor sa kanilang director dahil open ito sa mga suggestions.

Sana nga tanggapin ng madlang cinemagoers ang bagong putahe na handog ng Regal Films ngayong Summer. 

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS