Movie Review: Sylvia Sanchez shines in 'Jesusa'


Share




Napanood ng beauty ko ang bagong pelikula ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang Jesusa na kalahok sa ongoing na Sinag Maynila Film Festival 2019 noong nakaraang Sabado, April 6, 2019.

READ: Sylvia Sanchez is Jesusa

Ang pelikula na dinirehe ni Ronald Carballo ay tumatalakay sa buhay ni Jesusa played by Sylvia Sanchez. Si Jesusa ay isang babae na nalulong sa bisyo dahil sa di nasusuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa mga taong minamahal niya.


Napaka-cliche ng istorya, it's the usual movie about someone who gets addicted to drugs pero ang special sa pelikula na ito ay ang bida mismo. Nung mapanood ko ang trailer nito a few months ago, kinabahan ako for Ms. Sylvia dahil isang mapagmahal na ina at lola na naman ang role niya pero after watching the film nagawa niyang makawala sa mga previous mother roles niya.

Dito napatunayan niya na kaya niyang kuminang kahit di masyadong kagandahan ang storytelling & cinematography ng pelikula. She gave her own flavour of a drug addict role. Yung mata niya makapangyarihan, her eyes communicate with her audience lalo na sa eksenang tinitikman sya ng mga kapwa niyang addict. Iba! Walang linya, mata lang umaarte, pero you see her pain & life story through her eyes. I won't be surprised if she gets acting awards.

Di rin din naman nagpahuli ang mga supporting cast members ng pelikula gaya nina Allen Dizon & Ynez Veneracion na may kaabang-abang na eksena sa hagdan at sina Empress Shuck & Mara Lopez na nadama ko ang kanilang pressence sa pelikula. Love na love ko ang mga eksena ni Beverly Salviejo sa pelikula kahit maiksi lang mga scenesay tumatak naman ang performance niya.

Wish ko lang sana mas nabigyan ng highlight yung child star na gumanap na apo ni Jesusa. I was expecting more after niyang mahuli ang kanyang Lola Jesusa pero yun nga di nabigyan ng justice ng story yung role ng bata.

Kahit mediocre ang storytelling, matino ang pelikula, di lang ako fan ng ganung storytelling at higit sa lahat di ako nakatulog sa panonood ng pelikulang ito dahil kaabang-abang talaga ang bawat eksena ni Ms. Sylvia!

You can watch Sinag Maynila 2019 movies in select cinemas from April 4 - 17, 2019. For screening schedules of Jesusa, just click here!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS