After maging Vice Mayor sa lungsod ng Maynila ng tatlong termino sa ilalim ng administrasyon ni tumatakbo ngayon bilang alkalde ng lungsod si Isko Moreno.
Ayon kay Vice Mayor Isko, di sila magkaaway ni Erap na dati niyang kaalyado at ngayon ay kalaban sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila. Gusto lang niya bigyan ng ibang option ang mga Manileno. Panahon na raw na isang mas batang pinuno ang mamuno sa city capital ng Pilipinas.
Kapareha ni Isko si incumbent Vice Mayor na si Dra. Honey Lacuna. Aminadong malakas ang mga kalaban pero ang tanging laban niya ay ang kanyang records bilang councilor ng 18 years at 6 years bilang Vice Mayor. Ayaw niyang iwan ang lungsod kung saan namulat.
Unang nakilala si Isko sa mundo ng showbiz kung saan mula sa pagiging isang simpleng binata ay sumikat at hinangaan ng milyun-milyong Pinoy bilang actor. From rags to glamour yan nga ang pag-describe ni Isko sa kanyang buhay na naging inspirasyon ng mga Pilipino.
Ang karanasan niya di umano bilang nagsimula sa hirap ay isa rin sa kanyang lamang sa kalaban dahil mas alam niya kung ano ang pangangailangan ng mga maralitang ManileƱo.
Bilang isang galing sa showbiz, plano niyang muling buhayin ang Manila Film Festival kung saan bibida ang mga magagandang pelikulang Pilipino na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Balak din niya gawin sa Manila particularly sa lugar ng Malate na dating kilala na lugar ng LGBTQ community ang Pride March Parade bilang pagbabalik pagmamahal sa mga bakla at lesbian na nakatulong sa kanyang career noon.
0 Comments