Age is just a number para kay Juan Ponce Enrile dahil kahit na 95 years old na ay tumatakbo pa rin siya bilang senador sa darating na Halalan 2019.
Kaya pa raw niyang magsilbi sa mga Pilipino. Tumakbo siyang muli dahil nakikita niyang di na sa mabuting kalagayan ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Sa mga di nakakaalam si Enrile ay nagsilbing senador for 23 years na nagsimula noong 1987. Naging Senate President mula November 17, 2008 hanggang June 5, 2013 at Senate Minority Floor Leader mula July 22, 2013 – June 30, 2016.
Narito ang mga batas na kanyang napasa:
-- Republic 9522 (Baseline Law) na nagtatalaga ng mga hangganan ng kapuluan ng Banda
-- CARP Extension
-- Anti-torture Act
-- Expanded Senior Citizens Act
-- Anti-Child Pornography Act
-- National Heritage Conservation Act
-- Real Estate Investment Act
Noong April 2013 ginampanan ni Kapamilya actor Enrique Gil ang kanyang life story at ayon sa kanya maski di siya ang namili ng artista ay nagustuhan niya ang acting performance nito sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya.
0 Comments