After naming makasama sa dinner at makisaya sa kanyang kaarawan, nagkaroon ang mga beauty namin ng pagkakataon na bisitahin si ang butihing ina ni Senator JV Ejercito na si San Juan City Mayor Guia Gomez sa kanyang opisina.
Pagpasok mo palang ng San Juan City Hall ang maganda arkitekto nito at organisado ang mga empleyado rito huh.
Sa opisina naman ni Mayor Guia ay pinakita niya ang pinagawa niyang coffee table book about San Juan, take note, it's about the city talaga and not about her. Kung may pic man siya sa libro ay super liit lang at sa introduction part lang makikita. Makikita rin sa opisina niya ang mga Filipiana Doll collections na pawang magaganda lahat.
Pinakita rin niya ang collage ng mga larawan ng luma at kasulukuyang hitsura ng Pinaglabanan Shrine. Makikita sa larawan na noon, bago pa umupong mayor si Senator JV Ejercito noong 2001, ay naging tirahan ng mga squatters at tamabakan ng basura ang paligid ng makasaysayang Pinaglabanan Shrine. Matatandaang tinawag pa itong Smokey Mountain Part 2 dahil sa mga bundok na basurang tinambak dito.
Pinaganda ito noon ni Senator JV, tinanggal ang mga squatters at ang mga bundok ng basura. Di naman pinabayaan ang mga squatters na nanirahan doon, nilagay sila sa mas maayos & malaki na tirahan sa isang resettlement area sa San Juan City & sa mga housing areas sa Baras, Montalban & Taytay sa Rizal, Muzon sa San Jose Del Monte City, at sa Balagtas, Bulacan.
Pagkatapos namin malibot ang San Juan City Hall ay nilibot namin ang San Juan City mismo. Nag-umpisa kami sa Museo El Deposito kung saan napreserve ang ilang importanteng artifacts noong may underground water reservoir pa ang San Juan Del Monte. At ang mismong Museo El Deposito ay ang dating opisina ng El Doposito ay na-maintain at napaganda.
Sumunod namin na pinuntahan ang Museo ng Katipunan kung saan mo mas maiitindihan ang istorya ng clandestine organisation ng Filipino revolutionaries noon na Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Sa mga sumunod pang bahagi ng city tour ay nadaanan namin ang mga proyektong tinayo sa lungsod gaya ng mas pinagandang City Jail, High School buildings, ang resettlement area, San Juan Arena, ang dating city hall na ngayon ay isa ng medical center at ang makasaysayang Santuario del Santo Cristo kung saan naging saksi ito sa mayaman at makulay na kasaysayan ng San Juan. Nadaanan din namin ang bagong tayo na Santolan Town Plaza which really complements the city's vibe.
At ang huli naming pinuntahan ay ang lugar na pinaka-kilala ngayon ang San Juan City bilang Tiangge Capital of the Philippines ang Greenhills. Dati ang lugar na ito ay di organisado pero sa pamamalakad nina Senator JV Ejercito at Mayor Guia Gomez ay inayos nila ito at ngayon ay mas pinaganda.
Ang San Juan City ay di lang lungsod ng Tiangge, mayaman ang lungsod na ito sa kasaysayan na na-preserve at mas pinaganda nang mag-inang Senator JV & Mayor Guia. Mula sa pagiging underground water reservoir hanggang sa lugar kung saan naganap ang unang laban ng Katipunan.
Sa pagtatapos ni Mayor Guia Gomez sa kanyang posisyon ay isang mayaman at organisadong San Juan City ang kanyang iiwan habang ang Senator JV Ejercito naman ay sana muling mahalal bilang senador para mas marami pa siyang batas na magawa na makakatulong sa mga Pilipino gaya ng Universal Healthcare. Kung naayos niya ang San Juan, kaya rin niyang maayos ang buhay ng mga Pilipino.
0 Comments