Marco Gumabao ni-request ang butt scene sa “Just A Stranger”


Share



Sa naganap na Ladies' Night for Marco Gumabao sa Cable Car sa Ortigas noong August 12, 2019, naikwento niya ang kanyang butt exposure sa upcoming movie niya with Anne Curtis ang “Just A Stranger.”

Ang nasabing butt scene ay nag-viral sa Twitter na ikinagulat niya. Di umano'y may nag-leak daw ng scene na iyon kung saan kasama niya sa picture si Anne Curtis.

Mas maganda raw sana kung di na-leak ang scene na ito dahil gusto sana nilang i-surprise ang viewers.

Ayon pa kay Marco, siya mismo ang nag-request sa director ng pelikula na si Jason Paul Laxamana na magpakita siya ng puwet sa pelikula para mas lalo pang mapaganda ang eksena. He made sure na di naging malaswa ang eksena na iyon at sinugurado niyang kailangan sa pelikula.

Nang tanungin kung bakit siya nagdesisyon na magpakita ng puwet, "It's Anne Curtis movie. Kailan ka ulit makakatrabaho sila Anne at Direk Jason Paul," sey niya.

Maliban kay Anne Curtis, gusto niya pang makapareha sa isang proyekto ay walang iba kundi ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Ang “Just A Stranger” ay mapapanood sa mga sinehan simula August 21, 2019 mula sa Viva Films

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS