PRO 6 Chief Rene Pamuspusan pinuri ng mga netizens


Share



Di lang sina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto ang pinupuri ng mga netizens dahil sa maganda nilang pamamalakad, pinupuri rin si PRO 6 Chief Rene Pamuspusan. 

Ilang linggo pa lang siyang nakakaupo bilang pinuno ng kapulisan sa Western Visayas ay kita na ang malaking pagbabago sa pamumuno at gustong-gusto ng mga tao ang kanyang mantra na #JustBeGoodAtIt.

Isa nga rito ay si Twitter user @TitaPoorita, na ayon sa kanya ang #JustBeGoodAtIt ay "direct to the point, no nonsense reminder to the police in Western Visayas that they better be good at what they do."

Agree si @luz_abegail na pinoint out: "Gawin niyo lang ng maayos trabaho niyo at maging disiplinado. Hindi mahirap intindihin ang utos ng boss nila."

Maski si PRO 6 Chief Pamuspusan ay nagulat na pati ang kapulisan ay ginagamit na rin ang #JustBeGoodAtIt. Matatandaang, noong umupo siya sa pwesto ay nangako siya na he will be good at what he does. Ilang linggo pa lang ay pinakita na niya na di lang siya salita kundi sinasamahan niya rin ng aksyon. Di ba nga, few weeks ago, nabalita ko rito na milyon-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska niya.

Congrats, Sir! You're doing a great job! 

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS