
Noong nakaraang Linggo, isa na namang controversial "deadlock" result ang nasaksihan ng bayan sa 'The X Factor Philippines' nang mapauwi ang all-girl group na A.K.A. JAM matapos nitong makakuha ng pinakamababang boto sa Rock Music theme ng nangungunang talent show ng bansa.
Sigaw ng ilan dapat magkaroon wildcard habang ang ilan naman ay sinisisi ang network, management at judges espevially ang mentor ng groups category, kungsaan nag mula ang Bottom 2 acts (the other one is the Daddy's Home), na si Gary Valenciano. Sana daw ay di dinaan nito sa Deadlock at naging matapang.
Mas gusto kong manatili ang A.KA. JAM kaysa sa Daddy's Home dahil kahit na parehas silang magaling ay sa tingin ko mas may X Factor ang A.K.A. JAM, mas magiging mabenta album at singles nila kumpara sa isa. Pero tanggap ko ang decision. Bakit?
1st: Ganyan talaga ang 'The X Factor' franchise di nawawalan ng controversial results at lahat ng contestants ay di ligtas sa elimination kahit iyon pang may pinakabonggang X Factor at pati na rin iyong pinakamagaling sa kumpetisyon.
2nd: DEADLOCK is part of the rules kahit ayaw mo, it makes the show more intense, interesting and unpredictable. Maski sa ibang bansa madalas yan gamitin lalo na kung parehas magaling o may X Factor ang napunta sa Bottom 2. At gaya ng tinu-tweet ko dati, Deadlock is always controversial.
3rd: Naiitindihan ko ang decision ni Gary V. siya ang mentir ng dalawang grupo na yan at parehas pang magaling kaya hinayaan niyang ang taong bayan ang magdesisyon. Di niya gugustuhin na ang pareho niyang acts ay mapunta sa Bottom 2! Parang 2 anak mo yan na napunta sa panganib pero isa lang kailangang isalba, di ba napakasakit para sa parte niya so do not blame him. I'm sure kung ang Daddy's Home ang kanyang pinauwi sisihin pa rin siya ng mga tao na kesyo bakit mo nilaglag ang sarili mong act.
4th: At higit sa lahat kung bumoto kayo sa A.K.A. JAM at Daddy's Home hinde sila mapupunta sa Bottom 2! Maraming nagsasabi sa virtual and real world na gusto ko sila pero hindi naman bumoboto. So kung di ninyo tanggap ang resulta bakiy di kayo bumoto at dapat VOTE WISELY. Iboto ang contestant na nagtataglay ng pinakabonggang X Factor.
At ngayong Sabado, papatunayan ng natitirang 9 contestants mula sa 4 categories na may taglay silang X Factor at deserving nila ang mga boto natin.
This week magbibigay-pugay ang 9 contestants sa mga namayapang Music Icons. Mga kanta ng mga yumaong Music Icons ang kanilang ipeperform at balita ko lakas maka-macho raw ang production number ni Kedebon. Abangan ang kanilang production numbers sa Live Shows #3 ng 'The X Factor Philippines' sa Sabado after MMK at sa Results Show #3 naman malalaman ang kukumpleto sa Top 8, sa darating na Linggo naan yan after Sarah G Live.
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
3 Comments
I reаlly lіke your blog.. very nice cοlors
& theme. Dіԁ you cгeаtе this websitе yοurself or ԁid you hіre someone to do it foг you?
Ρlz responԁ as I'm looking to design my own blog and would like to find out where u got this from. thank you
My weblog: hcg drops for weight loss
Нowdу! This blog poѕt cοuldn't be written much better! Going through this article reminds me of my previous roommate! He constantly kept talking about this. I am going to send this post to him. Fairly certain he'll have a ѵery
good гead. Thаnks for sharing!
My weblog where buy hcg
My web page :: hcg diet dangers
Howdy! Do yοu knоw if theу mаke any рlugins to sаfeguard
against hacκeгѕ? I'm kinda paranoid about losing everything I'ѵe
wοrκed hаrd on. Any suggestіons?
mу webρagе diet hcg
my web page :: hcg body shaper