Sa loob lamang ng isang buwan, mula ng maupo sa pwesto si Brigadier General Rene Pamuspusan bilang director ng Police Regional Office 6 (PRO-6) noong June 27 hanggang July 27, P23,180,153 na worth ng shabu ang nakumpiska sa buong Western Visayas. Malaking bahagi ng mga nakuhang shabu ay mula sa Negros Occidental (P13.8 million) at Bacolod City (P9.2 million).
Habang P162,653 na halaga ng shabu ang nakuha sa mga probinsya ng Iloilo, Capiz at Aklan, Antique at Guimaras.
Ayon sa PRO-6 spokesperson na si Police Lieutenant Joem Malong, makakaasa ang buong Region 6 na tuloy-tuloy at lalo pang pang pag-iigtingin ang laban kontra droga lalo na sa Bacolod City & Negros Occidental. Dagdag pa niya, ang mga shabu na nakuha sa lugar na mga ito ay nagmila sa Cebu City and Negros Oriental.
Ayon pa kay Malong, mababa ang dami ng shabu na nakumpiska sa Iloilo at sa iba pang probinsya ng Panay dahil sa bumaba naman ang bilang ng drug trafficking activities.
Sa patuloy na pagdidisiplina at paglilinis ng bagong PRO-6 chief Pamuspusan lalo pang nahirapan ang mga tao at grupong involved sa droga na magpapatuloy pa sa kanilang operasyon, dagdag pa diyan ang pagbaba ng bilang ng mga miyembro nila.
***Getty images
0 Comments