Inaabangan, sinusubaybayan, at tinututukan maging ng mga banyagang manonood sa Asya ang dramang hatid ng mga dekalibreng Kapamilya teleserye. Ito ay matapos makapagbenta ng iba’t ibang titulo ang ABS-CBN International Distribution sa iba’t ibang bansa sa ASya kaya naman kinkilala ito bilang pangunahing pinagkukunan ng mga Asian networks ng Filipino programs na ipapalabas sa kanilang bansa.
Maihahalintulad ito sa ginagawa ring pagbili ng ABS-CBN ng mga tinangkilik at tinatangkilik pa rin na Asianovelas mula sa Korean o kaya Taiwanese TV networks.
Sa halos 30,000 oras ng content na nabenta ng ABS-CBN International Distribution worldwide simula noong taong 2000, 40 porsyento sa mga ito ay binili ng 11 bansa mula Asya kaya naman maraming Asyano ang nakakasubaybay sa drama at kuwentong hatid ng mga Kapamilya serye.
Una sa listahan ng mga suki ng ABS-CBN ang Malaysia kung saan mahigit 3,000 oras ng content na ang nabenta sa Malaysian TV networks na Astro Bella at TV3 simula taong 2000.
Ilan sa mga binili ng Astro Bella, ang unang in-house telenovela pay TV channel sa Malaysia, ay ang 'Magkaribal,' 'Prinsesa ng Banyera,' 'Dahil May Isang Ikaw,' 'Impostor,' 'Imortal,' 'Budoy,' at 'Iisa Pa Lamang' na katumbas ay 850 oras ng content. Ang seryeng kinatatampukan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na 'Dahil May Isang Ikaw' ang highest-rating Filipino drama ng Astro Bella kung saan pumalo ito sa 67& na audience share sa naturang bansa.
Samantala, bumili naman sa ABS-CBN ng 95 oras ng content ang unang commercial TV station ng Malaysia na TV3 sa pamamagitan ng nangungunang integrated media investment group na Media Prima.
Isa sa binili nito ay ang remake ng 'Mara Clara' na patok na patok ng kanilang inere matapos makalikom ng average na 1.5 milyong Malaysian viewers. Nalalapit ng ipalabas ng nasabing network ang 'My Girl' ngayong January 2013 at ngayon pa lang ay nagpapahaging na rin ito ng kanilang interes na bilhin ang 'My Binondo Girl' at 'Be Careful with My Heart.'
Dumarami na rin ang mga fan ng ABS-CBN dramas sa Cambodia. Nasa 28 canned shows na ang naibenta ng ABS-CBN sa mga Cambodian TV channel at isa sa pinakamalaking deal na naisara kamakaialn ay ang paggawa ng local version ng Cambodian Television Network (CTN) sa seryeng 'Pangako Sa ‘Yo' simula ngayong taon.
Bukod pa sa Malaysia at Cambodia, napapanood din ang iba’t ibang ABS-CBN drama ng mga banyagang viewers sa Brunei, Myanmar, China, Indonesia, Hong Kong, Singapore, Vietnam, Korea at Taiwan.
Ang International Distribution ay isang business unit ng ABS-CBN na kinikilala worldwide bilang maasahang content provider na pinakapinagkukunan ng dekalidad na Filipino programs sa mahigit 50 teritoryo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page
For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX
LATEST COMMENTS
- Awesome post thanks for sharing if you are searchi... - 2/1/2020 - mark henry
- - 12/23/2019 - Four J Party
- In reality, the post is the best on this praisewor... - 11/5/2019 - Four J Events Club
- - 10/19/2019 - pooja
- - 7/29/2019 - namnguyen
0 Comments