Ang effective na endorser ni Ms. Aiai Delas Alas, imagine ang ini-endorso niyang Pitalicious shawarma business ay mayroon lamang itong 50+ branches nang maging endorser siya last year ngayon mayroon na itong 104 branches. See, dumoble sa loob lamang ng isang taon kaya naman ni-renew ang beauty niya bilang endorser nito noong October 1, 2018 na ginanap sa Tsang Ai restaurant sa may Mother Ignacia, QC.
Sa nasabing contract signing, ay tuwang-tuwang ipinagmalaki ng may-ari ng Pitalicious na si Mrs. Gillian Ann Francisco ang naitulong ni Ms. Aiai bilang endorser at ayon pa sa kanya ay fit na fit ito bilang endorser dahil family oriented ito na siyang tatak ng Pitalicious.
Ang Pitalicious ay nagsimula noong taong 2012 sa pangalang Pitalicious Food Carts. Unang tinayo ni Mrs. Francisco at ng kanyang asawa ang unang branch sa may Market Place Mall sa Mandaluyong ma sinundan sa St. Francis Square da may Ortigas at ang ikatlo sa Star City sa Pasay City.
Naging panalo sa mga Pinoy ang Pitalicious dahil lasang-lasa mo ang Pinoy flavor sa mga shawarma nila na on the spot na gini-grill at home made ang pag-marinade sa Beef at Pita. At higit sa lahat, affordable ang presyo nito.
Pitalicious is still open for franchising!
WATCH THE INTERVIEW WITH MS. AIAI DELAS ALAS AS PITALICIOUS ON THE LINKS BELOW
Aiai bonggang endorser
Aiai nag-react sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN
0 Comments